Sino sa inyong mga kaibigan, kapamilya at kasama sa trabaho ang maaaring target ng nga lobong ito ng Roma. Alam n’yo ba na 86% ng mga Filipino ay Katoliko? Ibig sabihin may mga kilala kayo na nasa panganib na mabiktima ng mga lobong ito, at maaaring kayo mismo. Bilang Kristiano, ano ang ginagawa mo upang maagaw sila sa pangil ng mga lobo ng Vatican?

Ang pinakahuling artikulo ni Richard Bennett, “Ang mga Lobo sa Roma ay Sumisila, Maging  Mga Bata,” ay naglalantad sa pagtatakip ng pamunuan ng Vatican sa mga sekswal na eskandalo sa loob ng Iglesia ng Romano Katoliko. Isang dating pari, na naligtas sa pamamagitan ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo, ang nagbigay ng kanyang obserbasyon sa pagiging pari sa loob ng Romano Katoliko. Binabaluktot ng Roma ang ebanghelyo na nagbubulid sa kapahamakan ng kaluluwa ng tao sa kabilang buhay. Pinapayagan ng Iglesia Katoliko na molestiyahin ng mga pari ang mga mahihina at bigyan pa sila ng proteksyon mula sa mataas ng pamunuan ng Papa.

Kaya binabalaan ang bawat isa na tumakas sa gapos ng Roma sa pamamagitan ng pagtalima kay Cristo. Hanapin ang Kanyang katotohanan sa hindi nagkakamaling Salita ng Diyos sa Biblia. Bigyan ninyo ng babala ang mga mahal ninyong mga kaibigan.

Sinisila ng Lobo ng Roma Maging Mga Bata.

Sinulat ni Richard Bennett at Stuart Quint

“Ngunit sinumang maglagay ng batong katitisuran sa isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, ay mas mabuti pa sa kanya na bitinan ang kanyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya’y malunod sa kalaliman ng dagat” (Mateo 18:6)

“Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga masasamang tao ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya! Ang mga mapakiapid, mga sumasamba sa diyos-diyosan, mga mangangalunya, mga binabae, mga nakikiapid sa kapwa lalaki.” (I Corinto 6:9)

Patuloy na sinusuway ng Iglesia ng Romano Katoliko ang babala ni Cristo at ng Kanyang mga apostol:

Malaki ang galit ng mga Katoliko ang napa-ulat na sunod-sunod na pang-aabusong seksual sa mga kalalakihan ni Cardinal Theodore McCarrick. Ito ay kasuklam-suklam, hindi lamang dahil siya ay isang lingkod ng Iglesia, kundi sa paggawa ni McCarrick ng karumal-dumal na kasalanan, siya ay nabibigyan pa ng proteksyon ng pamunuan ng Roma. Sa isang sanaysay ni Rusty Reno (editor ng First Things), na pinamagatang “Ang Katolisimo Matapos ang 2018,” tinukoy niya na ang pangunahing dahilan sa mga seksual na eskandalo na sumisira sa Romano Katoliko ay ang pagtanggap sa kultura ng kabaklaan sa mga Katolikong pari. (3)

Ang pagsisiwalat na ito ay nabanggit na rin sa aming nakaraang artikulo na may pamagat na, “Ang ugat ng Eskandalong Seksual sa mga Katoliko.” (4). Ang pangunguna ng Vatican sa mga pari at manggagawa ng simbahang katoliko ay taliwas sa uri ng pamumuno ni Jesu-Cristo. Inamin ng mga nangungunang seminarista, na kalahati sa mga Romanong pari ay gumagawa ng mga kasalanan ng kabaklaan. Hindi katakataka na ang Iglesia ng Romano Katoliko ay nasa ganitong kaguluhan.

Tungkol sa pangunguna sa bayan ng Panginoon, ito ang sinasabi ng Kasulatan: “Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, silang nagsalita sa inyo ng salita ng Diyos; tingnan ninyo ang kinalabasan ng kanilang pamumuhay, tularan ninyo ang kanilang pananampalataya.” (Hebreo 13:7).

Itinataas ng Roma ang Iglesia ng Romano Katoliko kaysa sa Kaluwalhatian ng Diyos

Ang pangunahing problema ng Iglesia ng Roma ay ang pagtataas sa Iglesia bilang kabahagi sa kaligtasan ng tao. Ang opisyal na pahayag ay ito: “Ang kapakanan ng Iglesia ay pangunahin sa lahat ng bagay. Kagaya ng kalooban ng Diyos na lumikha ng tinatawag na “mundo” gayon din na layon ng Diyos ang kaligtasan ng tao at ito ay tinatawag na “Ang Iglesia.” Bukod pa rito, ang pagtatakip sa mga sekswal na pang-aabuso ay nagmumula hanggang sa kaitaasan ng pamunuan ng Vatican. Ito ang pahayag ng Catholic News:

Ang inyong mababasa ay tungkol sa nakakasindak na pahayag ng dating apostolic nuncio ng Estados Unidos, na si Archbishop Carlo Maria Vigano (77), kung saan idinadawit niya si Pope Francis at iba pang matataas na pari sa pagtatakip kay Archbishop Theodore McCarrick sa ibinibintang na pang-aabuso nito sa mga seminarista at pari. “Sa labing-isang pahinang pahayag (tingnan ang opisyal na kasulatan), kanyang sinabi na nalalaman ni Pope Francis ang mahigpit na pagsaway na ipinataw kay McCarrick ni Pope Benedict XVI subalit hindi ito pinagtibay ni Pope Francis.”

Si Archbishop Vigano ay naglingkod bilang apostolic nuncio sa Washington D.C. mula 2011 hanggang 2016. Sa kanyang testimonya noong Agosto 22, kanyang sinabi na noong 2002, nag pataw si Pope Benedict kay Cardinal McCarrick ng mahigpit na pagsaway (strict canonical sanction) na katulad din sa ipinataw sa kanya ni Pope Francis. Personal din niyang sinabi kay Francis kung gaano kalala ang pang-aabuso ni McCarrick nang mahalal siya bilang Papa noong 2013.

Subalit sinabi niya na nagpapatuloy si Francis sa pagtatakip kay McCarrick. Hindi lamang binalewala ang pagsaway na ipinataw ni Pope Benedict, kundi ginawa pa ni Francis na ‘mapagkakatiwalang konsehal’ si McCarrick na tumutulong sa kanya sa pagtatalaga ng ilang obispo sa Estados Unidos, kabilang na sina Cardinal Blasé Cupich ng Chicago at Joseph Tobin ng Newark.

Kabaklaan ang Kalimitang Pang-aabuso ng Katolikong Pari

Idinawit din ni Archbishop Vigano sina Cardinal Sodano, Bertone at Parolin sa pagtatakip na ito at idiniin na ang iba pang mga Cardinal at Obispo ay may kinalaman din, kabilang na sina Cardinal Donald Wuerl, ang pumalit kay McCarrick bilang Archbishop ng Washington D.C. Ayon kay Vigano, ‘Ako mismo ang bumanggit sa problemang ito kay Cardinal Wuerl sa ibat-ibang pagkakataon at hindi ko na sinabi pa ang mga detalye dahil sa tingin ko ay alam niya ang mga ito. Kaya’t ang huling pahayag ni Cardinal Wuerl na wala siyang nalalaman tungkol dito ay totoong katawa-tawa. Nagsisinungaling siya at hindi niya ito ikinahihiya. Nalalaman ni Cardinal Wuerl ang nagpapatuloy na pang-aabuso ni Cardinal McCarrick at ang pagsaway (sanction) na ipinataw sa kanya ngunit hindi naman ito nasunod. Patuloy pa rin siyang nakapaninirahan sa seminaryo sa Washington D.C. na naglalagay sa panganib sa iba pang seminarista.’ Ayon kay Vigano. (7)

Ang paghihimutok ng isang obispong katoliko ay totoo, subalit ito ay mahinang tinig at huli na sa panahon. Ayon ay Obispo Robert Morlino ng Madison, Wisconsin, ang detalye ng ulat hinggil sa maruming pang-aabuso na ginagawa ng mga paring katoliko ay “kasuka-suka.” Ito ay talamak at tinitingnan na“eksklusibong kabaklaan” (8). “Napapanahon na upang tanggapin na mayroong kultura ng kabaklaan sa pamumuan ng Iglesia Katoliko at ito ang gumagawa ng malaking pagkawasak sa ubasan ng Panginoon. Malinaw ang turo ng Iglesia na ang pagkabakla  ay hindi kasalanan kundi isang likas na kahinaan at ang sinumang lalaki na mayroon nito ay hindi nararapat na maging pari. (9)

“Sinabi ng Obispo na ang desisyon na kumilos laban sa tinaguriang likas na kahinaan (at hindi kasalanan) ng mga pari ay malalang kasalanan. Umaabot sa langit ang iyak para sa paghihiganti, lalo pa kung ang mga biktima ay mga kabataan at mga mahihina.”

Gaanong kalala at kasuklam-suklam para sa mga katoliko ang asal ng mga paring ito. Subalit sila ang kumakatawan sa katuruan ng Iglesia Romano mismo. “Ang mga pari ay tumanggap ng kapangyarihan mula sa Dios na hindi niya ibinigay sa mga anghel o sa mga arkanghel… Ang Diyos sa kaitaasan ang nagtitibay sa mga ginagawa ng mga pari dito sa lupa.” (11). Makita sana ng mga matatapat na Katoliko na ang mga pari na ibinigay ng Papa sa Roma ay masahol pa sa mga “bulag na umaakay sa mga bulag.” (12)

Si Jesu-Cristo ang Sentro ng Ebanghelyo, Hindi ang Iglesia ng Romano Katoliko.

Mariin na sinasabi ng ating Panginoong Diyos na ang lahat ng bagay ay kay Cristo, kabilang na ang ating kaligtasan. Ito ang sinasabi sa Efeso 1, “Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpapala sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espiritwal sa sangkalangitan”(Efeso 1:3); “Sa kanya ay tumanggap din tayo ng isang mana na itinalaga nang una pa para sa layunin niya na gumagawa ng lahat ng bagay ayon sa kanyang pasya at kalooban” (Efeso 1:11); “Sa Kanya kayo rin naman ay nakarinig ng salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan, at kayo na sumampalataya sa kanya, ay tinatakan ng ipinangakong Espiritu Santo” (Efeso 1:13).

Ang katotohanan ng Salita ng Panginoon ay mababasa sa Efeso 1:3,“Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpapala sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espiritwal sa sangkalangitan.” (14)

Subalit taliwas dito ang itinuturo ng Iglesia Romano, “Kagaya ng niloob ng Diyos na lumikha ng tinatawag na “mundo,” layon din niya ang kaligtasan ng mga tao at ito ay tinatawag na “Ang Iglesia”(15).

Minamahal na mga Katoliko, aming idinadalangin na ang inyong kaligtasan ay sa persona lamang ni Jesu-Cristo. “sa pamamagitan ng Kanyang dugong nabuhos at kapatawaran.” Amen.

Ang Salita ng Dios ay malinaw: Ang kaligtasan ay kay Jesu-Cristo lamang at sa Kanyang dugong nabuhos at hindi sa anumang iglesia.

Ang Kaligtasan ay Kay Cristo Lamang at Hindi sa Pamamagitan ng Binyag

Ito ang opisyal na katuruan ng Katoliko tungkol sa pagkakaroon ng bagong buhay: “Ang bautismo ay pintuan para sa mga sakramento at kailangan para maligtas. Ito ay dapat na gawin o gustuhin ng isang tao at ipinapataw sa pamamagitan ng angkop na tubig at pananalita. Sa pamamagitan ng pagbibinyag, ang lalaki at babae ay lumalaya sa kasalanan, at muling ipinapanganak bilang mga anak ng Diyos at inilalapit kay Kristo sa pamamagitan ng mabuting ugali at ibinibilang sa Iglesia Katolika.” (16)

Ang katuruang ito ng Iglesia Katolika ay mali at sumasalungat sa awtoridad ni Cristo. “At sinabi niya sa kanila, ‘Humayo kayo sa buong sanlibutan at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha. Ang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan’.” (Markos 16:15-16). Ang pananampalataya ay susi sa biyayang nagliligtas. Ang kawalan ng pananampalataya ay magbubulid sa kapahamakan. Ang pananampalataya ay kailangan para sa kaligtasan at ang bautismo ang siyang ordinansya na sumusunod dito. Ngunit ang bautismo ay nagpapahayag lamang ng pananampalatayang nagliligtas. Ang katibayan nito ay makikita sa hindi pagbanggit nito sa sumunod na bersikulo. “Ang taong hindi nabautismuhan ay hindi parurusahan kundi yaong hindi sumampalataya,“ngunit ang hindi sumampalataya ay parurusahan”(Markos 16:16b).

Kaibigan, kung ikaw ay isang Katoliko, naniniwala ka ba kay Jesu-Cristo para sa iyong kaligtasan? Hanapin mo ang Panginoon ayon sa katotohanan. Siya ay tapat na nagbibigay ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi kailangan ng pamamagitan ng huwad na Katolikong Pari. Ayon sa Ebanghelyo, Si Cristo-Jesus ang bumili ng kalayaan mula sa kasalanan ng lahat ng tunay na mananampalataya. Siya lamang ang may awtoridad at kapangyarihan na magpalaya sa kasalanan. Ang Kanyang Kamatayan sa Krus at ang Kanyang pagkabuhay na magmuli ang nagpalubag sa galit Diyos sa kasalanan. Sinumang nagtitiwala kay Cristo at sa Kanyang tinapos na gawa ay lubusang patatawarin. Para sa makasalanan, ginanap ni Kristo ang lahat ng kailangan ng Banal na Dios para sa kabayaran ng kasalanan.

Ang tunay na mananampalataya ay lubos na pinatawad kay Jesu-Cristo. Sa pagkilos ng biyaya ng Diyos, hindi lamang sila pinatawad, kundi sila ay ibinilang sa  “… espirituwal na bahay tungo sa banal na pagkapari, upang mag-alay ng mga espirituwal na handog na kasiya-siya sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo” (I Pedro 2:5).

Sa Pagwawakas

Mahal na kaibigang Katoliko, upang ikaw ay magkaroon ng tama at walang katapusang ugnayan sa tunay na Diyos, kailangan mong maligtas sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, at upang mapabilang ka sa pamilya ng makapangyarihang Diyos. Ang liwanag at kalayaan ng Ebanghelyo ay magbabago sa iyo. Ayon  kay Apostol Pablo, “At tayong lahat, na walang talukbong sa mukha na nakikita ang kaluwalhatian ng Panginoon gaya ng sa isang salamin, ay nababago sa gayunding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, sapagkat ito ay mula sa Panginoon na siyang Espiritu.” (2 Corinto 3:18). Tunay na kung mayroong tunay na pananampalataya at pagmamahal sa Panginoon, mayroong katuwaang hindi masukat at puspos ng kalualhatian.

Ang Diyos ang nag-iisang banal. Ang Kanyang kabanalan ay nagniningning sa lahat Niyang  katangian. Ito ang dahilan kung bakit dapat tayong maging banal at matuwid sa Kanyang harapan. Ang mga binanal, ayon sa udyok ng Banal na Espiritu ay lumalapit kay Cristo na namatay at nabuhay na magmuli. Sila ay nananampalataya sa Kanya lamang para sa kanilang kaligtasan. Papuri sa ating Panginong Diyos.

Sa Lumang Tipan ipinahayag ni Propeta Isaias ang ganito. “Ngunit siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan; ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling kayo. Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawa’t isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan at ipinasan sa kanya ng Panginoon ang lahat nating kasamaan.” (Isaias 53:5-6): Ito naman ang sinasabi ni Apostol Pedro, “Nalalaman ninyong kayo’y tinubos mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na minana ninyo sa inyong mga ninuno, hindi ng mga bagay na nasisira tulad ng pilak o ginto.” (I Pedro 1:18); at Apostol Juan, “Siya ang kabayaran para sa ating mga kasalanan, at hindi lamang para sa atin kundi para din sa kasalanan ng buong sanlibutan” (I Juan 2:2).

Malinaw na ipinapahayag ng Kasulatan na ang kaligtasan ay sa gawa lamang ni Cristo at wala nang iba. “Siya ang kaningningan ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang likas, at kanyang inaalalayan ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita. Nang magawa niya ang paglilinis ng mga kasalanan, siya ay umupo sa kanan ng Kamahalan sa kaitaasan” (Hebreo 1:3).

Tayo ay naligtas sa pamamagitan ng gawa ng Diyos. Ang kaligtasan ay ang maluwalhati at tinapos na gawa ng Dios at hinabi sa pamamagitan ng pulang sinulid ng maluwalhating biyaya ng Diyos. Bago lumapit sa Kanya, ang bawat tao ay patay sa kasalanan. Tayo ay naligtas sa biyaya lamang, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo lamang. “para sa ikapupuri ng Kanyang maluwalhating biyaya, na ipinagkaloob niya ng walang bayad sa atin sa pamamagitan ng Minamahal”(Efeso 1:6).

Magkaroon sana tayo ng tapang katulad ng mga nagsisampalataya na at tumalikod sa pang-aakit ng Iglesia ng Romano Katoliko. Ating gayahin ang kanilang pananampalataya at pagtitiwala sa Panginoong Diyos na siyang magbibigay sa atin ng tagumpay. Ating tularan si Apostol Pablo “Kaya’t kunin ninyo ang buong baluti ng Diyos, upang kayo’y makatagal sa araw na masama, at kung magawa na ninyo ang lahat ay tumayong matatag. Kaya’t tumindig kayo na ang inyong mga baywang ay nabibigkisan ng katotohanan na suot ang baluti ng katuwiran”(Efeso 6:13-14).

Ang tiyak nating pagtatagumpay kay Cristo ang dapat magbigay sa atin ng sigla at paghimok sa ating mga pagpapagal. “Ang Espiritu mismo ang nagpatotoo kasama ng ating espiritu na tayo’y mga anak ng Diyos. At kung mga anak, ay mga tagapagmana rin, mga tagapagmana ng Diyos, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung tunay ngang nagtitiis tayong kasama niya, upang tayo’y luwalhatiin namang kasama niya.” (Roma 8:16-17).


Ang “Berean Beacon” Website: http://temp.bereanbeacon.org

Ang pahintulot ay ibinibigay ng may akda na kopyahin ang artikulong ito kung walang gagawing pagbabago.


[1] Matthew 18:6. .

[2] 1 Corinthians 6:9 NASB

[3] Thomas D. Williams, PhD, “Report: Catholic Church Suffers ‘Culture of Denial’ of Homoclericalism,” Breitbart, 15 September 2018, on https://www.breitbart.com/big-government/2018/09/15/report-catholic-church-suffers-culture-of-denial-of-homoclericalism/  accessed on September 15, 2018.  Authors’ emphasis.

[4] Richard Bennett, “The Root Cause of the Catholic Sex Scandals,” Berean Beacon, August 3, 2003 on https://bereanbeacon.org/the-root-cause-of-the-catholic-sex-scandals/  accessed on October 6, 2018.

[5] Hebrews 13:7

[6] Catechism of the Catholic Church, Second Ed. Para 760 on http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p123a9p1.htm  accessed on September 15, 2018.

[7] Diane Montagna, “Pope Francis covered up McCarrick abuse, former US nuncio testifies (OFFICIAL TEXT) ,” Life Site News, August 25, 2018 on  https://www.lifesitenews.com/news/former-us-nuncio-pope-francis-knew-of-mccarricks-misdeeds-repealed-sanction    accessed on September 15, 2018.  Authors’ emphasis.

[8] Tre Goins-Phillips, “American Bishop Says There’s a ‘Homosexual Subculture’ Within Catholic Leadership,” CBN News, 08-25-2018, on   http://www1.cbn.com/cbnnews/2018/august/american-bishop-says-there-rsquo-s-a-lsquo-homosexual-subculture-rsquo-within-catholic-leadership   accessed on September 15, 2018.  Authors’ emphasis.

[9] Ibid. Authors’ emphasis.

[10] Ibid. Authors’ emphasis.

[11] Catechism of the Catholic Church, Para 983 on http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p123a10.htm  accessed on September 15, 2018.

[12] Matthew 15:14

[13]  Authors’ emphasis

[14] Ephesians 1:3-13

[15] Catechism of the Catholic Church, Para  760

[16] Code of Canon Law, Canon  849 on http://www.vatican.va/archive/ENG1104/_P2U.HTM 10/18/18 Bolding added.

[17] Mark 16:15

[18] Mark 16:16

[19] Isaiah 53:5-6

[20] 2 Corinthians 3:18

[21] I Peter 1:18

[22] I John 2:2

[23] Hebrews 1:3

[24] Ephesians 1:6

[25] Ephesians 6:13,14

[26] Romans 8:16-17`

Podobne wpisy