Sa ating panahon, maraming Romano Katoliko ang hindi nakakaalam ng mga opisyal na katuruan ng Simbahang Katoliko, o ano ba talaga ang kahulugan ng pagiging isang Katoliko. Dahil dito, lingid sa kanila ang maraming kontradiksyon ng mga pinanghahawakang turo ng pananampalatayang Katoliko at ng katotohanan sa Biblia.
Ang website na ito ay dinisenyo upang tulungan ka na maunawaan mo ang mga opisyal na katuruan ng Romano Katoliko at ang katotohanan na matatagpuan lamang saBanal na Kasulatan. Maaari kang magsimula sa aking patotoo, “Mula Tradisyon Tungo sa Katotohanan”.Pagkatapos ay sunod mong basahin ang katotohanan tungkol sa mga sakramento sa, “Mga Sakramento ng Romano Katoliko: Ang Walang-Awang Pagbihag Sa Kaluluwa Ng Tao”. Maganda ring basahin mo ang tungkol sa pagmamahal ng Panginoon sa mga Katoliko sa artikulo na, “Ebanghelyo Para Sa Mga Katoliko”.
Bawat isang Katoliko ay nagnanais na bigyan ng lugod ang Diyos sa kanilang buhay dito sa lupa. Sila ay umaasa na kung sila ay mamatay, sila’y muling mabubuhay at makakasama ang Diyos magpakailanman. Ito ay isang marangal na hangarin tungkol sa Diyos at kung paano Siya makilala. Subalit ang marangal na hangarin at sariling paniniwala tungkol sa Diyos ay hindi nangangahulugan ng buhay na walang hanggan. Ang aking hangarin ay gagawin mo rin ang ginawa ng marami sa aming mga Katoliko na namulat sa katotohanan. Siguraduhin mo na ang iyong paniniwala ay may matibay na pundasyon na ayon sa Biblia.