Sa unang taon ng aking ministeryo bilang pari sa Park Street Catholic Church sa Port of Spain, Trinidad, malinaw sa aking isip ang naging paghihirap ko sa kumpisalan. Tuwing Sabado, mula 3:00 hanggang 6:00 ng hapon, maraming Katoliko ang pumipila sa labas ng kumpisalan at naghihintay na makapasok at sabihin ang kanilang mga kasalanan. Naaalala ko na pinagpapawisan ako hindi lamang dahil ako ay nakatira sa tropiko, kundi sa unang pagkakataaon ay aking naranasan kung gaano kahirap na ibuhos sa akin ng detalyado ang kasalanan ng mga tao sa loob ng 3 oras nang walang patid. Pagkatapos nito ay may isa pa bago mag hapunan mula 7:00 hanggang 8:00 ng gabi. Kapag alas 8:00 na ng gabi, isinasara na ni Carlton, isang opisyal ng Simbahan, ang pinto upang hindi na makapasok ang nais pang mangumpisal sa pari. Nararamdaman ko ang pagiging kabado ng mga tao sa pagsasabi ng kanilang mga kasalanan lalong-lalo na ang mga babae, sa pagpapaliwanag ng mga seksual nilang kasalanan. Nakikita ko ang pawis na namumuo sa ibabaw ng kanilang labi. Ang gawaing ito ay humihirap sa paglipas ng mga linggo, kung saan ang mga tao ay bumabalik upang ikumpisal ang kasalanan na nasabi na nila.

Nang mga unang taon na iyon, hindi ako nagduda na ako ay may kapangyarihang magsabi ng,“Pinapalaya kita sa lahat ng iyong kasalanan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” na aking binibigkas sa wikang Latin. Hindi nagtagal, nagkaroon ako ng seryosong pagdududa, bagamat may pagdududa na rin ako noon sa aking unang parokya sa Mayaro, sa hilagang Trinidad.  Nagdududa ako kapag nakikita ko na bumabalik ang mga tao kada linggo at inilalahad ang mga kasalanan ng pangangalunya, pakikiapid at pagnanakaw na naikumpisal na nila.  Dagdag pa sa bigat ng loob ko ay ang ginaganap na misa tuwing Linggo pagkatapos ng pangugumpisal ng mga tao, kung saan mayroon akong tatlong Misa na pinangungunahan.  Minsan, pumupunta ako ng mabilis sa kumpisalan at nagbibigay ng kaunting payo sa mga nangungumpisal dahil may gagawin pang misa pagkatapos.  Malaking problema sa akin na marinig ko ang mga ikinumpisal na kasalanan. Ang pakiramdam ako ay isang balon ng kasalanan ang itinapon sa akin. Patuloy ang kabigatan na aking naramdaman sapagkat kahit ang ginagawa kong misa ay hindi makapagbigay ng ginhawa sa aking kalagayan.

Makaraan ang mga taon sa aking huling parokya sa Sangre Grande sa Timog Hilagang Trinidad, nagkaroon ako ng masamang hinala sa pangungumpisal. Sa Kasulatan (Biblia), aking nalaman na ang pagpapatawad sa mga kasalanan ay dumarating kung ang isang tao ay nanampalataya sa Panginoong Hesukristo. Akin ding nalaman na ipinapahayag ng Kasulatan na, walang makapagpapatawad ng kasalanan kundi ang Diyos lamang. “Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Diyos?” (Markos 2:7). Noong panahong iyon, tinigilan ko na ang pagtanggap ng mga nangugumpisal, maliban sa mga matatandang babae na binibigkas ang mga sinaulong kasalanan mula pa nang kanilang kabataan. (Masasaktan ang kanilang loob kung hindi ko pakinggan ang kanilang pangungumpisal). At dahil din sa kung hindi ko pakinggan ang pangungumpisal ng mga tao, ako ay isusumbong sa arsobispo.

Ilan lamang ito sa mga problema na lumitaw habang aking pinag-iisipan ang mga isyung ito ayon sa Biblia sa loob ng 7 taon bilang isang pari. Sa patotoong ito, sana ay mas maunawaan ng tao ang aking kalagayan bilang pari na nag-aral ng mga turo ng simbahang Katoliko, isinagawa ang mga ito bilang pari, at nalalaman din ang hinagpis na idinudulot ng sakramento ng pangungumpisal sa buhay ng mga tao at gayon din sa akin.

Ang kasalanan ay tunay na pinatawad kung ang isang tao ay nanampalataya sa Panginoong Hesukristo, “Kaya mga kapatid, maging hayag nawa sa inyo na sa pamamamagitan ng taong ito’y ipinahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan; at sa pamamagitan niya ang bawat nananampalataya ay pinalalalaya sa lahat ng bagay, kung saan hindi kayo kayang ariing ganap ng kautusan ni Moses.” (Mga Gawa 13:38-39). Sa pananampalataya sa Kanyang tinapos na gawa, ang kaluluwa ay may kapatawaran sa kanyang mga kasalanan at may perpektong katayuan sa harapan ng Diyos. “Subalit ngayon ay ipinahahayag ang pagiging matuwid ng Diyos na hiwalay sa kautusang at pinatotohanan ng kautusan at ng mga propeta.” (Roma 3:21); “Sa kanya’y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya.” (Efeso 1:21). Kaya ang ebanghelyo ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan gaya ng ipinahayag ni Apostol Pablo. Kapag ang isang tao ay nagkasala matapos maligtas, ito ay problema sa relasyon sa Panginoon na maaring matugunan sa ng direktang pangungumpisal ng kasalanan sa Kanya. “Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo’y lilinisin sa ating kalikuan.” (I Juan 1:9).

Kapatawaran ng Kasalanan Ayon sa Iglesia Katoliko

May napakalaking kaibahan ang malinaw na turo ng Panginoon sa Biblia sa turo ng simbahang Katoliko tungkol sa kapatawaran ng kasalanan.  Ayon sa mga Katoliko ang kapatawaran ng kasalanan ay hindi sa pamamagitan ni Kristo kundi sa pangungumpisal sa isang pari. Ito ang turo ng mga Katoliko na ipinapaliwanag sa kanilang katekismo. Sa katekismo ng Iglesia Romano, mayroong 7 sakramento. Taliwas ito sa turo ng Biblia na may dalawang sakramento lamang. Ito ay ang sakramento ng Bautismo at Huling Hapunan.

Isa sa pitong sakramento ng simbahang Katoliko ay ang “Sakramento ng Pagsisisi at Pagkakasundo”. Ito ay may limang pangalan, at bawat isa ay may partikular na elemento:

  1. Sakramento ng Pagbabagong-loob (Sacrament of Conversion)
  2. Sakramento ng Pagsisisi (Sacrament of Penance)

“Sa pamamagitan ng Sakramento ng Pagsisisi (Sacrament of Penance), ang isang nabautismuhan ay nakikipagkasundo sa Diyos at sa Iglesia. Ang Sakramento ng Pagsisisi ay kailangan para sa kaligtasan ng mga taong nagkasala matapos na sila ay mabautismuhan, gaya rin naman na ang bautismo ay kailangan para sa mga hindi pa nabuhay na magmuli. [8] “Ibinigay ni Cristo ang Sakramento ng Pagsisisi para sa lahat ng kasalanan ng mga miembro ng kanyang Iglesia.”. Higit sa lahat, ito ay para doon sa mga nahulog sa kasalanan matapos silang mabautismuhan at nawala ang kanilang biyaya ng bautismo. Ang Sakramento ng Pagsisisi ay nagbibigay ng posibilidad na muling makabalik sa biyaya ng pag-aaring ganap. Ipinakilala ng mga pinuno ng simbahang Katoliko ang sakramentong ito bilang “ikalawang baytang” ng kaligtasan kung mawala ang biyaya.” [9]

Ang turo na nawawala ang pag-aaring-ganap (matapos ang bautismo) ay sumasalungat sa mga sumusunod na teksto sa Biblia:

Roma 8:29-39 “…kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin? Siya na hindi ipinag-kait ang kanyang sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit naman hindi ibibigay sa atin nang walang bayad ang lahat ng mga bagay? Sino ang magsasakdal ng anuman laban sa pinili ng Diyos? Ang Diyos ang siyang umaring-ganap. v.35 …Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? V38…Sapagkat ako’y naniniwalang lubos na kahit ang kamatayan man, ni ang buhay, ni ang mga anghel, ni ang mga pinuno, ni ang mga bagay sa kasalukuyan, ni ang mga bagay na darating, v39b…ni alin pa mang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, na na kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”.

I Pedro 1:2-5 “pinili at itinalaga ng Diyos Ama at ginawang banal ng Espiritu upang sumunod kay Jesu-Cristo at mawisikan ng kanyang dugo. v.3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng kanyang malaking kahabagan ay muli tayong ipinanganak sa isang buhay na pag-asa sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jeus-Cristo mula sa mga patay, v.4 tungo sa isang manang hindi nasisira, walang dungis at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo.v.5 na sa kapangyarihan ng Diyos ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya para sa kaligtasan na nakahandang ipahayag sa huling panahon.”

Roma 11:29 “Sapagkat ang mga kaloob at ang pagtawag ng Diyos ya hindi mababago.”

Mga Bilang 23:19 “Ang Diyos ay hindi tao na magsisinungaling, ni anak ng tao na magsisisi. Sinabi ba niya at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya at hindi niya tutuparin?

Taliwas sa Biblia ang itinuturo ng Romano Katoliko. Sila ay walang kasikuraduhan sa kanilang kaligtasan.

  1. Sakramento ng Pangungumpisal (Sacrament of Confession)

Sa sakramentong ito ipinapahayag ang kasalanan ng isang Katoliko sa isang pari. [10]. Bagamat kinikilala ng simbahang Katoliko na ang Diyos lamang ang maaring magpatawad ng kasalanan, ang pangungumpisal sa isang pari ay itinuturing na mahalagang doktrina. Ganito ang isinasaad ng kanilang doktrina: “Sa pamamagitan ng dakilang awtoridad ay ibinibigay ni Jesus sa mga pari ang ganitong kapangyarihan sa kanyang pangalan.” [11]. Ang basehan sa Biblia ay nasasaad sa Juan 20:21-23, “…Kapayapaan ang sumainyo. Kung paanong sinugo ako ng Ama, ay sinusugo ko rin naman kayo. At nang masabi niya ito, sila’y hiningahan niya, at sa kanila’y sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Kung inyong patawarin ang mga kasalanan ng sinuman, ang mga iyon ay ipinatatawad sa kanila. Sinumang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, iyon ay hindi ipinatatawad.”. Dito, inutusan ng Panginoong Jesu-Cristo ang Kanyang mga apostol. Subalit ang apostol ni Kristo ay iba, gayun din si Pablo sapagkat lahat sila ay pinili ni Cristo-Jesus at walang binabanggit na ang utos na ito ay maaaring isalin sa susunod na henerasyon.

Ang paghuhusga sa kasalanan (v. 23) ay nangyayari sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ebanghelyo, gaya noong si Pedro ay nangaral sa mga taga Judah at Jerusalem (13), at nang si Apostol Pablo ay nangaral sa mga taga Tesalonica at sa mga taga Atenas sa Mars Hill. (14)

Dahil sa maling pagkaunawa sa turo ng pagiging apostol ayon sa Biblia, ang simbahang Katoliko ay nagpapatuloy sa paglaganap kahit na may maling turo sa pagpapatawad ng kasalanan. Ayon sa simbahang Katoliko Ipinagkatiwala ni Cristo ang kapangyarihan ng pagpapawalang-sala sa mga apostol na tinawag na ‘ministeryo ng pagkakasundo.’ “Lahat ng ito ay mula sa Diyos na tayo’y pinagkasundo niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ni Cristo at ibinigay niya sa amin ang ministeryo ng pagkakasundo. (2 Corinto 5:18).  Sa pahayag na ito, malinaw na ang simbahang Katoliko ay may maling pagkaunawa sa pagiging pari ni Cristo sapagkat nakasaad sa Hebreo 7:24, na ang Kanyang pagiging pari ay hindi naililipat. “Subalit hawak niya ang pagiging pari magpakailanman, sapagkat siya ay nagpapatuloy magpakailanman.” (Hebreo 7:24).

Gayon pa man, ang susunod na kamalian ng simbahang Katoliko ay ang pagpapaunlad ng paniniwala ng pagsasalin ng pagka-apostol. Ito ay matatagpuan sa seksyon na may pamagat na “Ang Ministeryo ng Sacramento.” “Dahil sa ipinagkatiwala na ni Cristo sa mga apostol ang ministeryo ng pagkakasundo, ang mga obispo na kapalit ni Cristo, at ang mga pari at katulong ng obispo ang magpapatuloy sa gawain ng ministeryong ito. Tunay na ang mga obispo at pari, ayon sa sakramento ng Banal na Utos ay may kapangyarihan na magpatawad sa lahat ng kasalanan ‘Sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo.’” (16)

“Sa pag-aakala ng mga obispo at pari na ginawaran sila ng kapangyarihan ni Cristo, gumagawa sila ayon sa kanilang pamamalakad tungkol sa pagsisisi at pagpapatawad. “Simula pa noong una, ang mga obispo, na nangunguna sa isang simbahan, ay itinuturing na may kapangyarihan sa ministeryo ng pagkakasundo. Sila ang tagapamagitan ng disiplina ng pagsisisi. Ginagawa ito ng mga pari at iba pang manggagawa na inatasan ng mga obispo o Papa ayon sa batas ng simbahang Katoliko.” (17)

Taliwas ang turo ng mga Katoliko sa turo ng Biblia. Dahil sa paniwala ng mga lider ng simbahan na maaring ilipat ang pagka-apostol, inaangkin nila na maaari silang magpatawad ng kasalanan ng tao at ito ay taliwas sa itinuturo ng Biblia.

  1. Sakramento ng Pagpapatawad (Sacrament of Forgiveness)

Ang ika-apat na pangalan ng Sakramento ng Pagsisisi ay Sakramento ng Pagpapatawad. “Ito ay tinatawag na Sakramento ng Pagpapatawad dahil sa pamamagitan ng pagpapatawad ng pari, ang Diyos ay nagbibigay ng “kapatawaran at kapayapaan” sa sinumang nagsisisi. (18). Ang katuruan ng pagpapatawad ay pinalawak pa sa nakasaad na kahulugan nito. Kayat ang kapatawaran ng pagsalangsang, gaano man ito kalala ay nasa kapangyarihan ng pari ng Simbahang Katoliko. Ayon sa Vatican, “Walang kasalanan, gaano man kalala ang hindi mapapatawad ng simbahan. Walang sinuman, gaano man kasama, ang hindi mawawalan ng pag-asa para mapatawad kung ang kanyang pagsisisi ay taimtim.” (19).

Ang kapangyarihan ng mga pari ay sinasabing mas malaki pa kaysa sa kapangyarihan na iginawad sa mga angel at ark-anghel. Sinasabi ng Roma, “Ang mga pari ay tumanggap ng kapangyarihan mula sa Diyos na hindi ibinigay sa mga anghel o sa mga ark-anghel. Pinagtibay ng Diyos na nasa langit ang ginagawa ng mga pari dito sa lupa. Kung walang kapatawaran ng kasalanan sa Simbahang Katoliko, walang kalayaan at pag-asa dito sa lupa para sa buhay na walang hanggan.” [20].

Mahirap ipaliwanag sa salita ang labis na pagmamataas ng Simbahang Katolika. Malaking paglapastangan sa Diyos na akuin ang pagpapatawad ng kasalanan sapagkat ito ay gawain lamang ng Diyos. “Ako, Ako nga nag siyang pumapawi ng iyong mga pagsuway alang-alang sa akin at hindi ko alalahanin ang iyong mga kasalanan.” (Isaias 43:25). Ang bersikulong ito ay nagpapahayag ng mabibiyang pagtitiyak na ang kasalanan ay binura ng Diyos para sa Kanyang pangalan. Ang pandiwang “Ako” ay inulit upang bigyan ng diin na ang Diyos lamang ang maaring magpatawad ng kasalanan.

  1. Sakramento ng Pagkakasundo (Sacrament of Reconciliation)

Ang huling pangalan ng sakramentong ito ay tinatawag na “Sakramento ng Pagkakasundo.” Sa paningin ng mga Katoliko, ito ay “pagbabahagi sa makasalanan ng pag-ibig ng Diyos na siyang nagbibigay ng pagkakasundo.” (22). Gayon pa man, walang pari ang ipinapangaral ang ebanghelyo sa siyang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan. “Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo, sapagkat ito ang kapangyarihan ng bawat sumasampalataya, una’y sa Judio, at gayundin sa Griyego.” (Romans 1:16). Ang ebanghelyo na siyang mensahe para sa pakikipagkasundo (ng Diyos at tao), [24] ay isinantabi ng mga Katoliko at ipinalit dito ang pagkukumpisal sa mga pari at ang ritwal ng penetensya.

Obligasyon na Mangumpisal ng Mga Katoliko

Ang pamimilit ng Roma sa mga deboto na mangumpisal ay makikita sa mga sumusunod na batas:

“Ang sinumang nag-nanais na makatanggap ng pagkakasundo sa Diyos at sa Iglesia ay dapat na ikumpisal sa pari ang lahat ng malalang kasalanan na kanyang natatandaan matapos ang masinsinang pagsisiyasat ng konsiensya” (25)

“Ang pangungumpisal at pagpapawalang-sala mula sa isang nakababatid ng seryosong kasalanan (Pari) ang siya lamang magkapagbigay ng pakikipagkasundo sa Diyos at sa Iglesia.” (26).

“Ang isang matapat na katoliko ay kinakailangang ikumpisal ang lahat ng uri ng seryosong kasalanan na nagawa matapos ang kanyang bautismo, matapos ang masusing pagsisiyasat ng kanyang konsiensya.” (27).

Ang nakakahiyang karanasan ng pagkukumpisal ay isang obligasyon ng mga katoliko. Ang sistemang ito ng pagkukumpisal sa pari ay sumisira sa ebanghelyo dahil ito ay humihikayat ng isang ritwal na wala naman sa Biblia. Ang detalyadong pagsasaad ng uri at bilang ng kasalanang nagawa sa isang pari ay isang pamanghamak na gawa na kalimitan ay nagbubuyo sa kasalanan.

Ang Pagpapatawad sa Kasalanan Ay Gawain ng Isang Pari.

Sa ritwal ng pagkukumpisal sa Simbahang Katoliko, may mga kailangang salita sa dapat gamitin ng pari. Ito ay ang sumusunod:

“Diyos, Ama ng awa, sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na magmuli ng Iyong Anak ay ipinagkasundo mo ang mundo sa Iyong sarili at ipinadala Mo ang Banal na Espiritu sa lupa para sa pagpapatawad ng kasalanan sa pamamagitan ng ministeryo ng Simbahan, bigyan ka nawa ng kapatawaran at kapayapaan, at pinawawalang-sala ko ang iyong mga kasalanan sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Banal na Espiritu.” (28).

Ang pagpapawalang-sala ng kasalanan na kailangang matanggap ng isang katoliko ay hindi ang pagpapatawad mula sa Diyos, kundi isang gawa ng pari na nagsasabi “Pinawawalang-sala ko na ang iyong mga kasalanan.” Kaya ang pari mismo ang siyang umaaktong hukom sa pagpapatawad ng kasalanan. Ayon sa Council of Trent, ang pagpapawalang-sala ng kasalanan ay hindi lamang isang ministeryo kundi kahalintulad nito ay gawa ng paghuhusga kung saan ang sentensya ay ipinapahayag ng isang hukom. (Can 9), [29]

Ang “dakilang kapangyarihan” ng pari na magpatawad ng kasalanan ay nakasaad din sa kanilang katekismo. “Ang Diyos lamang ang maaaring magpatawad sa kasalanan. Sapagkat Siya ay Anak ng Diyos, Sinabi ni Jesus mismo ‘Ang Anak ng tao ay may awtoridad sa lupa na magpatawad ng kasalanan’ at gamitin ang kanyang kapangyarihan: ‘Ang iyong kasalanan ay napatawad na.’ At sa pamamagitan ng kanyang dakilang awtoridad, binibigyan din Niya ng kapangyarihan ang tao na gawin ang ganito sa kanyang pangalan.” [30].

Sukdulang pagmamataas na isipin na ang dakilang kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan ay maaaring ibigay sa makasalanang tao. Ang mas malala pa dito, ginagamit ang Mateo 16:19 bilang basehan ng maling turong ito. “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.”. Ayon pa rin sa katekismo, “Sa pagbibigay ng kapangyarihan sa kanyang mga apostol na magpatawad ng kasalanan, binibigyan din ng Panginoon ng kapangyarihan na ipagkasundo ang makasalanan sa Simbahang Katolika. Ito ay malinaw na ipinahayag sa sinabi ni Cristo kay Simon Pedro. ‘Ibibigay ko sa iyo ang susi ng kaharian ng langit at kung ano ang itali mo sa lupa ay itatali sa langit, at kung ano ang kalagan mo sa lupa ay kakalagan din sa langit’ Ang tungkulin ng pagtatali at pagkakalag na ibinigay kay Pedro ay ibinigay din naman sa mga apostol na kaisa ng kanilang pinuno.” [31]

Sinabi ng Panginoon kay Apostol Pedro, ““Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” (Mateo 16:19).  Ang “sa iyo” ay tumutukoy sa pangako ng Diyos kay Pedro lamang. Ang pahayag na ito ay literal na ginawa ni Pedro at siyang naging pangunahing instrumento sa pagbubukas ng kalangitan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ebanghelyo sa mga Judio. “Kaya’t ang mga tumanggap ng kanyang salita ay binautismuhan at nadagdag ng araw na iyon ang may tatlong libong kaluluwa.” (Mga Gawa 2:41) at gayon din sa mga Hentil (Mga Gawa 10:44-47).

Ang kapangyarihan ng susi ay dalawa, sa mga Judio at sa mga Hentil. Ang utos ay ginanap ni Apostol Pedro lamang. Hindi maaring magkaroon ng kapalit sa utos na ito sapagkat isa lamang ang pagbubukas ng kaharian para sa mga Judio at para sa mga Hentil.

Ang pagtatali at pagkakalag na sinasabi sa Mateo 16:19 at 18:18 ay tumutukoy sa desisyon ng simbahang Katolika tungkol sa pagdidisiplina (ng mga nagkasala sa isang iglesia) at ang desisyon ay nagiging malinaw sa pamamagitan ng panalangin; mula sa Salita ng Diyos at Espiritu, at ito ay pagtitibayin sa langit. Hindi dito nakasaad ang pagpapatawad ng Diyos ng kasalanan. Ang konsepto na ang makasalanang tao ay patawan ng kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan ay sukdulang kasuklam-suklam sa Diyos at itinatatwa nito ang Salita ng Panginoon. Subalit, ito ang eksaktong pinanghahawakan ng mga pari sa Simbahan sa Roma.

Inaangkin ng Iglesia sa Roma Na May Basehan sa Biblia ang Pagpapatawad ng Pari.

Ang sinasabing basehan sa Biblia na inaangkin ng Roma upang ang mga pari ay magpatawad ng kasalanan ay matatagpuan sa talata 1485 ng katesismo:

Nang gabi nang araw na iyon, ang unang araw ng Linggo, ‘nagpakita si Jesus sa Kanyang mga apostol, ‘Hiningahan Niya sila at sinabi,Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. Kung patawarin ninyo ang kasalanan ng sinuman, sila ay patatawarin, kung inyong panatilihin ninyo ang kasalanan ng sinuman, ito ay pananatilihin’” (Juan 20:19, 22-23).

Ang sagot ng Biblia sa maling turong ito ay makikita sa Juan 20:23 “Kung inyong patawarin ang mga kasalanan ng sinuman, ang mga iyon ay ipapatawad sa kanila. Sinumang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, iyon ay hindi ipapatawad.”. Ang mga apostol ay ipinadala hindi upang maging mga pari kundi maging mga saksi ng katotohanan. Hindi sila tagapamagitan upang pagkasunduin ang Diyos at tao, kundi tagapangaral ng katotohanan. Walang duda na ipinahayag ng Panginoong Jesu-Cristo ang kabuoan ng ebanghelyo. Nagbigay siya ng kapangyarihan sa Kanyang mga apostol na ipahayag ang kapatawaran doon sa mga taong pinatawad na ng Dios.

Ang iniatas na gawain sa mga apostol na mababasa sa Juan ay makikita rin sa Lukas 24:47, Mateo 28:18-20 at Marcos 16:15-16. Ito ang pagkaunawa ng mga apostol at kanila namang ginawa. Ito ay malinaw na mababasa sa aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol. Hindi nagtalaga si Kristo ng mga pari upang magsuri ng kasalanan ng tao doon sa kumpisalan. Kundi nagtalaga Siya ng ng mga taga-pangaral ng ebanghelyo upang sa pamamagitan nila, ang Kanyang tinig ay marinig ng tao. Kaya’t ipinahayag ni Apostol Pedro, “Siya ang pinatotohanan ng lahat ng mga propeta, na ang bawat sumasampalataya sa kanya ay makakatanggap ng kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pangalan.” (Mga Gawa 10:43). Kung tayo ay manampalataya kay Cristo, tayo ay ipapawalang-sala Niya. Ito ang dakilang pagpapatawad ng kasalanan na kailangan ng lahat ng tao, sapagkat ang lahat ay patay sa kasalanan.  Ang pagpapahayag na ito ay tinatawag na ebanghelyo. Malinaw na ang pagpapatawad sa kalasanan ay hindi ang pagbulong ng kasalanan sa tainga ng isang mortal na tao (ang pari) doon sa kumpisalan.

Mga Panganib na Maaring Mangyari sa Pangungumpisal

Ang lubhang nakakalungkot at nakakabiyak ng puso ay ang kahungkagan at kasamaan mula sa mga taong nagsasabing sila ang tulay para sa kapatawaran ng kasalanan. Ang ginawa ng tao sa kumpisalan, kung saan may dalawang tao sa loob: isang makasalanan at isang nagpapanggap na tagapamayapa ng konsiensya ay ipinapalit sa personal at espiritwal na pakikipag-ugnayan sa Diyos na makakamit kay Kristo-Hesus lamang. Ang mga kaluluwa ay iniligaw sa tunay na pananampalataya sa paglalagak ng kanilang pag-asa sa isang pari na gumagawa ng isang delikadong ritwal. Dahil dito, ang kaligtasan at kapatawaran ay hindi na dumadaloy mula sa dalisay na Salita ng Diyos. Ito ay dahil sa may mga tao na nagpapanggap na makapagbibigay ng kapatawaran sa makasalanan sa paggawa ng sakramento sa pamamagitan ng isang pari.

Sa sistema ng Iglesia Katoliko, ang pagiging malapit sa isang tao (ng pari) ay nagiging kahalili sa gawa ng Banal na Espiritu. Gayon din ang katuwaan na mapatawad sa kasalanan ng Buhay na Dios. Ang delikado sa pangungumpisal ay nagiging dahilan ito upang mas lalo pang magkasala, o kaya naman ay magkaroon ng maling kaisipan. Ang lahat na ito ay inaamin sa Batas ng Pangungumpisal ng Vatican sa Canon 977. “Ang pagpapatawad ng isang kasabwat sa pag-labag ng ika 6 na utos ay walang bisa maliban na lamang kung nasa bingit siya ng kamatayan.” [“Huwag kang mangangalunya” ay itinuturing na ika-anim na utos sa Iglesia Katoliko.].

Ito ay isang problema kung kayat nagdesisyon si Pope John Paul II na ang ilang mga pagkakasala ng mga pari sa Sakramento ng Pagkakasundo at pedopilya ay ekslusibong litisin ng Hukuman ng Roma. Ayon sa dokumento:

“Ang malalang kasalanan laban sa Sakramento ng Pagkakasundo, katulad ng: ‘Ang pagbibigay ng kapatawaran sa isang taong kasabwat ng pari na labagin ang Ika-anim na Utos; ang imbitahin ang isang tao sa pagpapalagay na ito ay pangungumpisal ay labag sa Ika Anim na Utos; at labagin ang pagiging sekreto ng pangungumpisal.’ Ang pederasty (malaswang ugnayan ng pari at ng isang batang lalaki) ay labag sa lahat ng batas. Ito ay kasalanan laban sa ika anim na utos na nagawa ng isang bata na hindi lalampas sa 18 taong gulang at ng isang pari.” (33).

Ang ganitong patakaran ay maaring makapigil sa paglaganap ng eskandalo ng pangungumpisal sa mababang lebel, subalit hindi nito sinusugpo ang makalamang pagnanasa ng makasalang tao na humaharap ng malapitan sa pari doon sa kumpisalan. Kung ipagpalagay na ang tao ay may kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan, ngunit ilagay sa sitwasyon ng tukso dahil sa malapit na pakikipag-ugnayan ng pari sa mga babae at batang lalaki – at asahan na hindi sila magkakasala – ay tahasang pagmamataas ng Iglesia Katoliko. Sa pangkaraniwang kumpanya sa mundo, ang ganitong patakaran sa mga namumuno ay agad na malalantad na isang pang-aabusong seksual at ang mga tao ay mabibigyan babala tungkol dito.

Bukod pa rito, ipinapahayag ng Canon 984 ang ganito: “Kahit walang panganib na isiwalat ang kasalanan na ikinumpisal, ang pari ay pinagbabawalan na gamitin ang anumang kaalaman sa kasalanan na ikinumpisal kung ito ay makasasama sa taong nangumpisal.” Ang batas hinggil sa pagiging lihim na ibinigay na karapatan sa pari ay maaaring maging okasyon din ng pagkakasala ng isang pari partikular sa isang maliit na grupo. Mahirap at maaring imposible na hindi maapektuhan ang kilos ng isang pari na nakaalam ng kasalanan ng isang nangumpisal (isang madre halimbawa) na kasama sa isang pagtitipon. Ang isa pang batas tungkol sa pangungumpisal ay ang Canon 979. “Ang pari na nais na magtanong ay dapat gawin ito ng maingat at isinasa-alang-alang ang gulang ng nangungumpisal. Hindi niya dapat na itanong ang pangalan nito.”

Ang batas na ito ay nagpapakita ng mga tukso na posibleng mangyari sa pagtatanong ng pari sa kumpisalan. Dahil sa ang pari ay pinagbabawalan na itanong ang pangalan ng isang maaaring biktima, ito ay nagpapahayag lamang ng tukso na maaring mangyari sa malapit na ugnayan sa kumpisalan. Ang mga ito ay halimbawa lamang ng mga  hindi kaaya-ayang batas na ginawa upang limitahan ang kasalanan na maaring mangyari sa loob ng isang kumpisalan. Kung ang ordinaryong payo ayon sa Biblia ang siyang ginagawa at ang pari ay hindi iniiwang mag-isa kasama ang isang tao na maaaring hilingan or humiling ng isang bagay, hindi sana ito magiging okasyon ng tukso. Ang Salita ng Dios ay nagtuturo na ang kaalaman tungkol sa kasamaan ay laging nagiging ugat ng karumihan ng isang taong nagtataglay nito.

Isa sa pinakamasaya at minimithi ng isang tunay na mananampalataya ay lumaya sa presensya, kapangyarihan at kaalaman ng kasalanan. Ang dahilan kung bakit ang kaalaman tungkol sa mabuti at masama doon sa Hardin ng Eden ay para lamang sa Dios at hindi sa tao ay sa dahilan na ang Isa lamang Banal at Walang-hanggan Persona na hindi masukat ang kapangyarihan at kabutihan ang maaaring magkaroon nito. Hindi Siya maaring madungisan. Kaya isang sukdulang kahibangan at maling akala na magkaroon ng isang pribadong ritwal kung saan naibubuyo ang kasamaan at kahinaan ng tao sa ilalim ng pagpapanggap na humihingi ng patawad at biyaya Sa Diyos.  Gayun pa man, isa ring batas sa Iglesia sa Roma na ang pagkukumpisal ay dapat sa kumpisalan lamang at hindi sa ibang lugar. (34).

Mabigat at nakalulunos ang pagpapanggap ng pari na maaari silang magpapatawad ng kasalanan. Ibinababa nito ang dakilang gawa ni Cristo-Jesus. Bukod pa rito maari na ito ay humantong sa seryosong okasyon ng kasalanan. Ang mga matapat na pari na gumagawa ng kanilang tungkulin, at ang mga debotong Katoliko na naghahangad ng maibsan ang kanilang kasalan ay nagiging biktima ng kasalanan sa lugar mismo na inaakalang nagpapalaya sa kasalanan. Ang mga eskandalo na resulta ng pangungumpisal at ang iba pang malapit na ugnayan sa loob ng sistema ng Romano Katoliko ay umaabot na sa nakahihindik na bilang na mahirap nang idokumento sa dami. (35). Ang ating mga puso ay dapat na napipighati sa ating pagnanais na itaas ang dalisay na ebanghelyo sa mga Katoliko upang sila rin naman ay lumapit sa Panginoon at magkaroon ng kalayaan at kaligayahan na mapabilang kay Cristo. “Kaya’t kung kayo’y palayain ng Anak, kayo’y magiging tunay na malaya.” (Juan 8:36).

Isang mabiyayang pangako ng Panginoon sa lahat ng nagpapatuloy sa Kanyang Salita na kanilang malalaman ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa kanila. Ang ebanghelyo ay nagpapalaya mula sa pamatok ng seremonya at ritwal na nagpapatuloy na lumilinlang at bumibitag subalit hindi nagpapalaya ng konsiensya ng tao sa harapan ng Dios. Ang kaluluwa na nagtitiwala sa Panginoon lamang para sa kaligtasan, at umaasa bawat araw sa Kanyang awa at pagpapatawad ang siyang makakamalas ng kalualhatian ng Panginoon. Ang ating dalangin ay ang Dios na nag-utos sa liwanag na magningning sa kadiliman ay magliwanag din sa puso ng mga nakabilanggo sa kadiliman dahil sa tradisyon na ginawa ng tao “Sapagkat ang Diyos ang nagsabi, “Magningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang tumatanglaw sa a,ing mga puso upang mag bigay-liwanag sa pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos sa muka ni Jesu-Cristo.” (II Corinto 4:6)

Kapatawaran Ayon sa Biblia

Sa Kasulatan, ang kapatawaran sa kasalanan ay sa pamamagitan lamang ni Cristo-Jesus. Siya lamang ang Tagapamagitan ng Diyos at tao. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang daan  ang katotohanan at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6). Ang instrumento ng kapatawaran ay hindi ang Iglesia Katoliko, kundi ang pananampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo. “Ngunit sa kanya na hindi gumagawa, kundi sumasampalataya sa kanya na umaaring-ganap sa masamang tao, ang kanyang pananampalataya ay itinuturing na katuwiran.” (Roma 4:5)

Ang kapatawaran ng lahat ng kasalanan ay ibinibigay lamang ng Diyos at hindi ng anumang iglesia. Ito ay “upang maunawaan sa panahong kasalukuyan na siya’y matuwid at upang siya’y maging ganap at taga-aring- ganap sa taong mayroong pananampalataya kay Jesus.” (Roma 3:26). Ang ipalagay na ang pari at ang Sakramento ng Pangungumpisal ay katulad sa gawa ng pagliligtas ng Diyos, at pagpapatawad ng kasalanan ay isang malaking kalapastanganan sa Diyos. Sa Kasulatan, ang kapatawaran at pagtanggap ng Diyos sa tao ay kay Cristo-Jesus lamang.

Ang Diyos ng Lahat ng Biyaya

Subalit kahit na may malinaw na katuruan ang Biblia, inaangkin pa rin ng Iglesia Katoliko na ang isang tao na may tamang mga salita ay mabisang instrumento ng biyaya upang magpatawad. Ang ritwal sa kumpisalan na kinikilala na “sa pamamagitan ng awtoridad ni Cristo ay nagbibigay ng kapangyarihan sa tao” [42] ay sapat ng dahilan upang tumanggap ng lubos na galit ng Diyos para sa mga taong nag-imbento nito na inaangkin ang gawa ng pagpapatawad na para sa Diyos lamang. Sa Kasulatan ay sinasabi, “at pagkatapos na kayo’y magdusa ng sandaling panahon, ang Diyos ng buong biyaya na sa inyo’y tumawag tungo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo ay siya ring magpapanumbalik, magpapatibay at magpapalakas sa inyo.” (I Pedro 4:10). Sa pamamagitan ng Kanyang Salita ang mananampalataya ay tahasang hinahanap at inililigtas .

Ang kapatawaran ng kasalanan ay regalo ng Diyos sa isang mananampalataya. Ang basehan nito ay ang tinapos na gawa ni Cristo sa krus.“Sa kanya’y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan , ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya.” (I Efeso 1:7).  Ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus ay pagpapakita ng lubos na biyaya sa mga mananampalataya upang ang kanilang mata ng pananampalataya ay ituon lamang sa Kanya. “Sapagkat kung sa paanong sa pagsuway ng isa ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa, ang tumatanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng pagiging matuwid ay lalo pang maghahari sa buhay sa pamamagitan ng isa, si Jesu-Cristo.(Roma 5:17).


Permission is given to copy and distribute this article.

Our MP3s are easily downloaded and our DVDs seen on Sermon Audio at:

http://www.sermonaudio.com/go/212


1 Mark 2:7

[2] Acts 13:38-39

[3] Romans 3:21

[4] Ephesians 1:7

[5] I John 1:9

[6] I Timothy 2:5

[7] Catechism of the Catholic Church (1994), Para. 1423, 1424

[8] Ibid., Para. 980

[9] Ibid., Para. 1446.  Square brackets are in the original.  Para. 1447 states that the practice of penance originated in Eastern monastic tradition.  Thus Para. 1447 contradicts Para. 1446, which states that Christ instituted the sacrament of Penance.

[10] Ibid,. Para. 1424.

[11] Ibid., Para. 1441.

[12] The criteria for apostleship are given in Acts 1:21-22.  In the New Testament the Apostles did not appoint other apostles.  They appointed elders.  (The terms overseer and elder/pastor are used interchangeably, Acts 20:17, 28; I Peter 5:1-4.)

[13] Acts Ch. 2

[14] Acts Ch. 17

[15] Catechism, Para. 1442  Although their proof text states, “And all things are of God, who hath reconciled us to himself by Jesus Christ, and hath given to us the ministry of reconciliation”, they have overlooked the fact that in this epistle the Apostle Paul is not addressing the other Apostles.  Rather he is writing to “the church of God which is at Corinth, with all the saints which are in all Achaia.”[15]  In verse 19, which is not cited, the Apostle Paul explains very clearly the ministry of reconciliation entrusted to these believers, “To wit, that God was in Christ, reconciling the world unto himself, not imputing their trespasses unto them; and hath committed unto us the word of reconciliation.”  This ministry does not state or carry with it the idea that there is any “exercise of the power of absolution” accompaning “the word of reconciliation” (i.e., the Gospel).  Instead it explicitly denies that idea since the Apostle states that it is “the word of reconciliation” which has been entrusted to the believers.

[16] Ibid., Para 1461

[17] Ibid., Para. 1642

[18] Ibid.

[19] Ibid., Para. 982

[20] Ibid., Para. 983

[21] Isaiah 43:25

[22] Ibid., Para. 1424

[23] Romans 1:16

[24] II Corinthians 5:19

[25] Catechism, Para. 1493

[26] Code of Canon Law, Latin-English Ed., New English Tr. (Canon Law Society of America, 1983) Canon 960.

[27] Ibid., Canon 988 §1.

[28] Catechism, Para. 1449

[29] Henry Denzinger, The Sources of Catholic Dogma, Tr. by Roy J Deferrari from Enchiridion Symbolorum, 30th ed. (St. Louis, MO:  B. Herder Book Co., 1957) # 902.  Because the Catholic Church claims that she is “irreformable”(Vatican Council II Document No. 28 Lumen Gentium, §25, p.380) and her popes infallible, the Council of Trent still officially stands and can in no way be abrogated by any official statements to the contrary.

[30] Catechism, Para. 1441

[31] Catechism, Para. 1444

[32] Acts 10:43

[33] www.mgr.org/PedoVat.html  7/26/03

[34] Code of Canon Law, Canon 964 §3: “Confessions are not to be heard outside a confessional without a just cause.”

[35] See the summary report of Massachusetts Attorney General p 2 www.ago.state.ma.us  7/23/03.  Many Roman Catholic WebPages show the bad fruit that arises from wrong doctrine and practice.

[36] John 8:36

[37] II Corinthians 4:6

[38] John 14:6; Acts 4:12, I Timothy 2:5

[39] Acts 16:31

[40] Romans 4:5

[41] Romans 3:26

[42] Catechism, Para 1441

[43] I Peter 5:10

[44] Romans 4:5-8; II Corinthians 5:19-21; Romans 3:21-28; Titus 3:5-7; Ephesians 1:7; Jeremiah 23:5-6; I Corinthians 1:30-31; Romans 5:17-19

[45] Romans 5.17

Similar Posts