Sinulat nina Richard Bennett at Stuart Quint

Ang katuruan ng Romano Katoliko sa kabilang-buhay ay nakabatay sa turo ng “Ang Huling Paglilinis o Ang Purgatoryo.”

“Ang lahat ng pumanaw sa biyaya ng Diyos at tamang relasyon sa kanya ay hindi pa lubusang nalinis, subalit tiyak na ang kanilang walang-hanggang kaligtasan kapag sila ay namatay. Ngunit matapos silang mamatay, kailangan pa silang dumaan sa paglilinis upang makamtan ang kabanalan na kailangan upang makapasok sa kaligayahan ng kalangitan.”. 1

Subalit ang Purgatoryo ba ay talagang kailangan ng tao upang matiyak ang kaligtasan? Iniutos ba ng Diyos ang Huling Paglilinis upang magkaroon ng kabanalan ang tao na kailangan para makapasok sa kaligayahan ng kalangitan? Hindi ba sapat ang kamatayan ni Jesus at kailangan pa ba natin itong dagdagan ng Huling Paglilinis bilang paghahanda sa buhay na walang hanggan?

Itinatatwa ng Ebanghelo ni Cristo ang Katuruan ng Purgatoryo

Hindi itinuro ng Panginoon ang likong katha ng Papa katulad ng Purgatoryo. Ang totoo, itinatatwa ng Purgatoryo ang awa ng Diyos at ang sapat na pagliligtas ni Cristo sa krus.

Kusang-loob at minsanang namatay si Jesu-Cristo para bayaran ang kasalanan ng mga mananampalataya. Siya ang ating naging kahalili upang bayaran ang utang na hindi natin kayang bayaran. Malinaw na binabanggit sa Kasulatan:“Siya mismo ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kanyang katawan sa punongkahoy upang tayo’y mamatay sa mga kasalanan at mabuhay sa katuwiran; dahil sa kanyang mga sugat ay gumaling kayo.” (I Pedro 2:24).

Kalunos-lunos na isipin na ang mga Katoliko ay patuloy na nagtitiwala sa mga maling paraan na hindi kailanman magliligtas sa galit ng Diyos. Sa halip sila ay tinuturuan na huwag magtiwala sa minsanan at sapat na sakripisyo ni Jesu-Cristo. Ang Panginoong Jesus ay bumaba sa lupa upang “… sa pamamagitan ng kalooban niya tayo’y ginawang banal sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Cristo minsan, magpakailanman.” (Hebreo 10:10). Si Cristo lamang ang makakapag-alis ng kasalanan ng isang mananampalataya,“na siyang inialay ng Diyos bilang handog na pantubos sa pamamagitan ng kanyang dugo na mabisa, sa pamamagitan ng pananampalataya…”(Roma 3:25).

Tinututulan ng Iglesia ng Romano Katoliko ang Pagliligtas Kay Cristo ayon sa Vatican II:

“Ang kasalanan ay dapat bayaran sa pamamagitan ng kalungkutan, paghihirap at pagsubok, at higit sa lahat, sa pamamagitan ng kamatayan. Kung hindi ito mangyari sa lupa, ito ay kailangang maranasan sa kabilang-buhay sa pamamagitan ng apoy at pagpapahirap o anumang parusa na maaaring maglinis ng kaluluwa.” 5

Tinututulan din ng Romano Katoliko ang isa pang tinapos na gawa ng Panginoong Jesu-Cristo – ang paglilinis ng ating mga kasalanan. Sinasabi sa Kasulatan ang ganito: “…Nang magawa na niya ang paglilinis ng mga kasalanan, siya ay umupo sa kanan ng Kamahalan sa kaitaasan,” (Hebreo 1:3). Ipinahayag din ni Apostol Juan na ang sinumang nagtiwala kay Cristo ay nalinis na sa kaniyang kasalanan sa pamamagitan ng kanyang dugong nabuhos sa krus.

“…at ang dugo ni Jesus na kanyang Anak ang lumilinis sa atin sa lahat ng kasalanan.”( I Jn 1:7).

Purgatoryo: Isa Pang Instrumento ng Pagpapahirap ng Roma sa mga Katoliko

Ang katuruan ng Purgatoryo ay isang malaking panlilinlang sa mga tapat na Romano Katoliko na umaasa ng kanilang kaligtasan sa mga turo ng Iglesia ng Roma. Ang tanging dahilan kung bakit nagkatawang-tao ang Panginoong Jesu-Cristo at nagdanas ng napakasakit na kamatayan ay upang bayaran ng minsanan ang kasalanan ng tao sa pamamagitan ng kanyang perpektong sakripisyo sa krus.

Ang pagkakaroon ng pakikipagkasundo sa Diyos ay napakahirap na maunawaan ng mga Katoliko. Ito ay dahil sa sila ay nabugbog na ng katuruan na ang tanging paraan upang maitama ang relasyon sa Diyos ay sa pamamagitan ng habang-buhay na paglakad sa mabubuting gawa, pagtanggap sa mga sakramento, pagkikilahok sa Misa, at pag-gawa ng mga indulhensya.

Ipinaliwanag ni L.H. Lehmann, isang dating paring Katoliko na nabuhay sa Ireland noong ika dalawampung siglo, ang kanyang kaisipan at espiritwal na kalagayan noon.

“May nakabalot na pangamba sa lahat ng bagay. Nakatanim na takot ang nangingibabaw sa buhay ng lahat ng mga bata na ipinanganak at pinalaki sa ilalim ng Katoliko sa Ireland. Iilan lamang ang nakalaya sa takot na ito sa kabilang-buhay, kahit yaong nagpunta na sa Amerika. Ang takot na ito ay nararamdaman sa buong buhay dito sa lupa. Subalit mas may matinding takot sa pagdurusang daranasin sa kabilang-buhay. 8

Kailangan pang tukuyin ng Iglesia ng Romano Katoliko kung kailan matatapos ang pagdurusa ng kaluluwa sa Purgatoryo. Ayon sa sikat na Jesuit na si Robert Bellarmine:

“Walang duda na ang pahirap sa Purgatoryo ay hindi limitado sa sampu o dalawampung taon at ito ay maaaring umabot ng buong isang siglo. Subalit kung totoo man na ito ay hindi lalampas ng sampu o dalawampung taon, maaari ba nating ipagwalang-bahala ang napasakit na pagdurusa na hindi maiibsan?” 9

Kaya ang paghihirap sa Purgatoryo ay inihahalintulad sa Impiyerno sa uri at bigat nito. Ayon kay Thomas Aquinas na isang Catholic theologian:

“Parehong apoy ang nagpapahirap sa mga makasalanan sa impiyerno at sa mga matuwid sa purgatoryo. Ang kaunting hirap sa purgatoryo ay mas matindi pa sa pinakamahirap na pagdurusa sa buhay na ito.”10

Pinagkasundo ng Panginoong Jesu-Cristo ang mga mananampalataya sa Diyos. Binago niya ang relasyon ng Diyos sa tao mula sa pagkagalit tungo sa pakikipagkasundo. Ang lubos na pakikipagkasundo mo sa Diyos bilang tao ay magaganap kung ikaw ay magsisisi at magtitiwala sa Panginoong Jesu-Cristo bilang iyong Tagapagligtas. “Sa kanya’y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo na kapatawaran ng ating mga kasalanan ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya.” (Efeso 1:7).

Ang tanging nararapat na tugon sa tinapos na gawa ni Cristo ay ang tanggapin ang tunay na pakikipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya sa Kanya. Ilagak natin ang ating tiwala kay Cristo at tigilan na natin ang pagtitiwala sa kung ano pa mang turo at tradisyon na hindi nakasulat sa Biblia.

Malinaw na ipinahayag ng Panginoon ang kalooban ng Ama:

“Sumagot si Jesus sa kanila, “Ito ang gawa ng Diyos na inyong sampalatayanan ang kanyang sinugo.” (Juan 6:29).

“Naganap na ang panahon at malapit na ang kaharian ng Diyos; kayo’y magsisi at manampalataya sa ebanghelyo.” (Markos 1:15).

“Kaya’t gaya ng sinasabi ng Espiritu Santo,“Ngayon kung marinig ninyo ang kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso gaya ng sa paghihimagsik, gaya ng sa araw ng pagsubok sa ilang, na doon ay sinubok ako ng inyong mga ninuno, bagaman nakita nila ang aking mga gawa sa loob ng apatnapung taon.” (Hebreo 3:7-8).

Ang Katuruan ng Indulhensya ay Kontra sa Turo ni Cristo

Batid ng Iglesia ng Romano Katoliko na ang maling doktrina ng Purgatoryo ay may malaking problema sa kanilang tagasunod. Kaya ginagamit ng Roma ang turo ng indulhensya bilang isa pang paraan upang mapagharian nila ang isip at puso ng mga Katoliko. Para sa mga debotong Katoliko na nagnanais na mabawasan ang kanilang paglagi sa Purgatoryo, ang tanging paraan ay ang magkaroon ng indulhensya mula sa Papa.

Pinagtibay ng Vatican Council II ang Matagal nang Tradisyon ng Indulhensya

“Matibay ang paniniwala ng Iglesia ng Roma na maaring palayain ng pastol ng tupa ng Panginoon ang bawat isa sa bahid ng kasalanan sa pamamagitan ng paglalapat ng kabutihan ni Cristo at ng mga santo. Sa paglipas ng panahon, at sa ilalim ng impluwensya ng inspirasyon ng Banal na Espiritu sa mga tao ng Diyos, ang paniniwalang ito ay nagbunsod sa tradisyon ng indulhensya.” 15

Tunay na ang tradisyon ng indulhensya ay hindi ginagawa ng naunang Iglesia. Ang tradisyong ito ay nagsimula noong Middle Ages. Ang unang kilalang Papa na nagbigay ng Ganap na Indulhensya (Plenary Indulgence) upang hindi maghirap sa Purgatoryo sa sandaling panahon ay si Pope Urban II noong 1096 sa Synod of Clermont. Kanyang inialok ang Ganap na Indulhensya sa mga taong lalaban sa digmaan sa Crusades. Pormal na binigyang kahulugan ni Pope Clement VI (1342-1352) ang indulhensya bilang “Sisidlan ng Kabutihan” na maaaring lumabis at maipasa mula sa isang katoliko papunta sa iba pang katoliko. Pinalawig ni Pope Sixtus IV noong 1477 ang aplikasyon ng indulhensya, hindi lamang sa mga nabubuhay kundi pati na rin sa mga namatay na. 16

Sinisikap na ipaliwanag ng Roma ang tiwaling gawa na ito sa pamamagitan ng pahayag sa 2 Maccabees, sa aklat ng Apokripa bilang suporta sa katuruan ng indulhensya at Purgatoryo. 17Nakasaad dito ang ganito:“Nilikom niya ang ambag mula sa lahat ng sundalo na nagkakahalaga ng dalawang libong drachmas na kanyang ipinadala sa Jerusalem upang maging sakripisyong naglilinis. Sa pamamagitan nito siya ay gumawa ng isang napaganda at dakilang gawain, sapagkat nasa isip niya ang pagkabuhay na muli… Kaya nga naghandog siya para sa mga patay upang sila ay mapawalang-sala mula sa kanilang kasalanan.”*(Maccabees 12:43). Ngunit ang argumentong ito ng Iglesia sa Roma ay walang basehan. Itinatwa ng mga Judio ang mga aklat ng Apokripa bago at hanggang matapos ang ministeryo ni Jesu-Cristo. Hindi pinaniniwalaan ng mga Judio na dapat isama sa Banal na Kasulatan ang mga aklat ng Apokripa. Ang mas mabigat na dahilan ay itinatanggi nito ang mga katuruan ni Jesus at ng mga Apostol. 18

Tinanggal sa katesismo ng Romano Katoliko ang isang mahalagang detalye mula 2 Maccabees upang maging awtoridad ito sa paggamit ng indulhensya.

Katulad ng misa para sa mga patay. ang indulhensya ay nagbibigay din ng malaking salapi sapagkat dapat na bayaran ang “sakripisyong naglilinis” ng kasalanan na iginagawad ng isang pareng Katoliko.

Subalit sa kabila ng malinaw na argumento laban sa tiwaling gawa na ito, ipinahayag ng Vatican Council II ang ganito:

“Nagtuturo ito at nag-uutos na ang paggamit ng indulhensya – bagay na lubhang mabuti para sa mga Kristiano at pinahintulutan ng awtoridad ng Banal na Konseho – ay dapat na manatili sa Iglesia; at kinukundina nito ng may kasamang sumpa (anathema) ang sinumang magsabi na ang indulhensya ay walang silbi at ang Iglesia ay walang kapangyarihang ibigay ito.” 20

Ibinebenta pa rin ni Pope Francis ang Indulhensya sa mga Debotong Katoliko

Ipinahayag ng Catholic News Agency na nagpapatuloy si Pope Francis sa pangangalakal ng negosyo ng panandaliang pag-alis sa Purgatoryo ng kaluluwa sa pamamagitan ng pag-gawad ng indulhensya. Sa mga hindi sumali sa paggunita ng ika 500 taon ng pagdiriwang ng Protestant Reformation, maari silang mabigyan ng Ganap na Indulhensya sa pamamagitan ng espesyal na pagsamba sa inimbentong Maria ng Fatima.

“Sa ika-isandaang taon ng anibersaryo ng pagpapakita ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Portugal, nag-desisyon si Pope Francis na bigyan ng pagkakataon na gawaran ang mga deboto ng Ganap na Indulhensya sa buong taon mula Nobyembre 27, 2016 hanggang Nov. 26, 2017.”21

Ayon sa artikulo, ang paraan upang makatanggap ng “Ganap na Indulhensya” ay ganito: Ang masunuring Katoliko ay dapat dumalo sa buwanang misa ng pagsamba kay Maria sa loob ng anim na buwan sa lugar ng Fatima o sa ibang lugar, at dapat ding magbigay pugay sa estatwa nito.

Walang-Kabuluhang Pag-uutos na Manalangin at Mag-alay ng Misa para sa mga Patay.

“Ang ginagawang pananalangin ng mga Katoliko para sa mga patay ay nakabatay sa ating paniniwala tungkol sa Purgatoryo. Maliban na tayo ay mamatay na sakdal – kung tayo ay pinatawad sa ating kasalanan at nabayaran natin ang kaparusahan sa lupa – ay hindi tayo makakapasok sa kalangitan. Ang hindi naging sakdal ay hindi makakapasok sa presensya ng Dios.” 22

Inaalipin ng Roma ang mga Katolikong nagpapakahirap na makamtan ang kaligtasan sa pamamagitan ng mabuting gawa. Ang iniaalok ng Roma ng isang kamay ay binabawi naman ng isa pang kamay. Iniaalok ng Roma ang indulhensya upang maibsan ang nababagabag na konsiyensya ng mga Katoliko, at nagbibigay ng maling pag-asa sa turo ng “mababaw na bersyon ng impiyerno” – ang purgatoryo. Subalit bigo ang Roma na mabigyan ng tunay na solusyon ang problema ng tao sa kasalanan at pagiging malayo sa Diyos. Iniiwan ng doktrina ng Katoliko ang mga tao na nababagabag sa kanilang kasalanan, bagamat hinahanap nila ang walang-bisang lunas sa galit ng Diyos.

Dahil sa hindi paniniwala sa ebanghelyo, ang mga Katoliko ay patuloy na binabagabag ng kanilang konsiyensya dahil sa kanilang kasalanan. Ito ang dahilan kaya hinihimok ang mga matatapat na Katoliko na magpamisa para sa kanilang mga mahal sa buhay. At sila naman ay umaasa na kung sila ay mamatay, sila rin naman ay ipagpapamisa ng mga naiwan nilang mahal sa buhay.

Ang katuruan ng indulhensya ng mga Romano Katoliko ang isa sa pinakamalakas na humakot ng pera sa sistema ng mga Katoliko. Kapag ang isang tao ay nasilo sa bitag ng sistemang ito, nagiging alipin siya at mawawala na rin ng pag-asa at kaaliwan sa buhay na ito at sa kabilang-buhay. Mayaman man o mahirap, nagbabayad ang mga Katoliko upang ipagpamisa ang mga namatay na mahal sa buhay. Ito ang opisyal na turo ng Iglesia Katoliko:

“Sa simula pa lamang, binibigyan na ng karangalan ng Iglesia ang ala-ala ng mga namatay at naghahandog sila ng panalangin para sa kanila. Ito ay labas sa mga sakripisyo ng Eukarista, upang kung sila ay maging malinis ay masumpungan nila ang maluwalhating pangitain ng Diyos.” 23

Kongklusyon: Manampalataya sa Ebanghelyo ni Kristo, Hindi sa mga huwad na pangako ng Roma

Ano ang iyong tunay na pag-asa para sa buhay na walang hanggan?

Una sa lahat, ang pinakamahalagang katotohanan na dapat malaman ay ang tungkol sa katangian ng Diyos. Siya ay walang-hanggan at hindi nagbabago. Siya ang karunungan, kapangyarihan, katarungan, kabutihan at katotohanan. Siya ang kabanal-banalan at nag-iisang Diyos. Ang Kanyang katarungan ay banal. Ang Kanyang kabanalan ang naghihiwalay sa Kanya sa lahat ng nilalang. Siya ay hiwalay sa atin. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin ng kaligtasan. “Walang banal na gaya ng PANGINOON, sapagkat walang iba maliban sa iyo, walang batong gaya ng aming Diyos.” (I Samuel 2:2).

Ang Panginoong Jesus, tunay na Diyos at Tao ang siyang tanging Tagapamagitan sa Diyos at tao. Siya lamang ang maaaring maglalapit sa tao sa kabanal-banalang Diyos. “Sinong hindi matatakot at luluwalhatiin ang iyong pangalan O Panginoon, sapagkat ikaw lamang ang banal.” (Pahayag 15:4).

Sa pamamagitan lamang ni Jesu-Cristo na nagkatawang tao, tayo ay magkakaroon ng tamang relasyon sa Diyos. Sinasabi sa Banal na Kasulatan: “Sapagkat may isang Diyos at may isang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus. “(I Timoteo 2:5). Nilinaw ni Pedro, “Walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ating ikaliligtas.” (Mga Gawa 4:12).

Ngunit itinatatwa, ng Iglesia ng Romano Katoliko na si Cristo ang natatanging Tagapagligtas at Tagapamagitan para sa ating kaluluwa. Sa halip, idinidiin ng Roma ang hinabi nitong bersyon na si Maria ay may katungkulan din bilang tagapamagitan (Mediatrix). Patuloy na sinusuportahan ito ni Pope Francis bilang opisyal na doktrina ng mga Katoliko.

“Sa pag-akyat ni Maria sa langit, hindi niya iniwan ang kanyang katungkulan ng pagliligtas, sa halip, sa marami niyang pamamanhik para sa tao, ay nagpapatuloy na mag-alay ng mga handog para sa ating walang-hanggang kaligtasan. Kaya ang titulo na “Pinagpalang Birhen” na ibinigay ng Iglesia ng Romano Katoliko ay kumakatawan din sa mga titulong Tagapamanhikan, Katulong, Tagapagbigay ng Biyaya, at Tagapamagitan.28

Sa harapan ng kabanal-banalang Diyos, tayo ay naligtas sa Kanyang biyaya lamang. “Sapagkat sa biyaya kayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito’y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito’y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki.” (Efeso 2:8-9).

Ang malaking kaibahan ng biyaya at gawa ay ipinakita sa maraming teksto sa Banal na Kasulatan. “Ngunit kung ito ay sa pamamagitan ng biyaya, ito’y hindi na batay sa mga gawa; kung hindi, ang biyaya ay hindi biyaya.” (Roma 11:6). Ang Diyos lamang, sa Kanyang biyaya ang may kapangyarihan na tayo ay iligtas. Hindi natin maililigtas ang ating mga sarili sa pamamagitan ng ating sariling gawa.

Subalit para sa Iglesia ng Romano Katoliko ang biyaya ay isa lamang instrumento upang ang mga tao ay magkaroon ng kaligtasan.

Ang biyaya ay ang tulong na ibinibigay ng Diyos upang tayo ay tumugon sa ating bokasyon at maging mga inaring-anak ng Dios. Inihahanda tayo ng biyaya upang ang ating buhay ay malapit sa Trinidad na Diyos.31

Sa imbakan ng yaman ng Diyos ay naroroon ang mga panalangin at mabubuting gawa ng mga santo, yaong sumunod sa yapak ni Cristo at ng Panginoon, at ayon sa kanyang biyaya ay nagpapakabanal sila at ginagampanan ang misyon na itinalaga sa kanila ng Ama. Sa ganitong paraan, ay nakamtan nila ang kanilang kaligtasan at gayun din ay tumutulong sa pagliligtas ng kanilang mga kapatid bilang pakikiisa sa Mahiwagang Katawan. 32

Itinutuon ng Roma ang atensyon ng mga tao sa pananampalataya sa Iglesia ng Romano Katoliko mismo at sa mga sakramento nito.

Subalit itinuturo ng Biblia na ang kaligtasan ay tanging kay Cristo lamang. At kanilang sinabi, ‘Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.” (Acts 16:31).

“Ngunit sa kanya na hindi gumagawa, kundi sumasampalataya sa kanya na umaaring-ganap sa masamang tao, ang kanyang pananampalataya ay itinuturing na katuwiran.” (Roma 4:5).

___________

1http://www.vatican.va/archive/ccc_css/archive/catechism/p123a12.htm accessed on January 6, 2018. Paragraph 1030.

2I Peter 2:24. Unless otherwise noted, all Bible verses cited from the King James Version on www.biblegateway.com.

3Hebrews 10.10

4Romans 3:25

5Paul VI, “Indulgentiarum Doctrina”, 1 January 1967, Chapter I, Para.2 in General Editor Austin Flannery, O.P., Vatican Council II The Conciliar and Post Conciliar Documents, (1975: Scholarly Resources, Inc., Wilmington, DE, USA), 63. Italics in original.

6Hebrews 1:3

71 John 1:7

8L.H. Lehmann, The Soul of a Priest, (1944: Loizeaux Brothers, New York, NY) 34. Cited in Lorraine Boettner, Roman Catholicism, (1962: The Presbyterian and Reformed Publishing Company, Philipsburg, NJ, USA) 232.

9Robert Bellarmine, De Gemitu, Book 2, Chapter 9. Cited in Lorraine Boettner, Roman Catholicism, (1962: The Presbyterian and Reformed Publishing Company, Philipsburg, NJ, USA) 220. Authors’ emphasis.

10Thomas Aquinas, Summa Theologica, Supplement, Question 100, Acts 2, Number 3 cited in http://op54rosary.ning.com/profiles/blogs/the-pain-of-fire-in-purgatory accessed on January 6, 2018. Authors’ emphasis.

11Ephesians 1:7

12John 6:29

13Mark 1:15

14Hebrews 3:7-8

15 “Indulgentiarum Doctrina”, Para. 8.

16Lorraine Boettner, Roman Catholicism, (1962: The Presbyterian and Reformed Publishing Company, Philipsburg, NJ, USA) 285-6.

17See Catechism, Para. 1032: “This teaching is based on the practice of prayer for the dead, already mentioned in Sacred Scripture: ‘Therefore [Judas Maccabeus] made atonement for the dead, that they might be delivered from their sin.’… The Church also commands almsgiving, indulgences, and works of penance undertaken on behalf of the dead…” Authors’ emphasis. What

18See Don Stewart, “Why Were the Books of the Old Testament Apocrypha Rejected as Holy Scripture by the Protestants?” on https://www.blueletterbible.org/faq/don_stewart/don_stewart_395.cfm accessed on January 6, 2018.

19 “He then took up a collection among all his soldiers, amounting to two thousand silver drachmas, which he sent to Jerusalem to provide for an expiatory sacrifice. In doing this he acted in a very excellent and noble way, inasmuch as he had the resurrection in mind… Thus he made atonement for the dead that they might be absolved from their sin.” 2 Maccabees 12:43 on http://www.usccb.org/bible/2mc/12 accessed on January 6, 2018.

20Idem.

21Maria Ximena Rondon, “Three ways to obtain an indulgence for the 100-year Fatima anniversary”, C.N.A. Catholic News Agency, December 1, 2016 on https://www.catholicnewsagency.com/news/three-ways-to-obtain-an-indulgence-for-the-100-year-fatima-anniversary-78258 accessed on January 6, 2018. Authors’ emphasis.

Bishop Michael J. Sheridan, “Prayer for the Dead, Part 1”, Catholic Herald Online, (November 2, 2007: Diocese of Colorado Springs, CO, USA) on https://www.catholicculture.org/culture/library/view.cfm?recnum=7858 accessed on January 6, 2018.

23Catechism, Para. 1032.

241 Samuel 2:2.

25Revelation 15:4.

261 Timothy 2:5

27Acts 4:12

28Catechism, Para. 969

29Ephesians 2:8-9

30Romans 11:6

31Catechism, Para. 2021

32Catechism, Para. 1477

33Acts 16:31

34Romans 4:5

*Isinalin sa Tagalog ni Haydee D. Lasco

Podobne wpisy